Filipino: Wika ng Saliksik

Ang Wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang ating natanggap mula pa sa ating mga ninuno. Ito ang nagsisilbing instrumento para sa pambansang pagkaka unawaan at tulay sa magandang ugnayan. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnanoyan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa ating dakilang  Ang wika ang nagbubuklod sa atin upang tayo ay magkakaintindihan.

Tuwing Agusto, pinagdiriwang natin ang buwan ng wika. Ang layunin ng tema ngayong taon na "Filipino:Wika ng Saliksik (Language of Research)" ay  hinihikayat tayong gamitin ang ating sariling wika at ating pagyamanin. Kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Tulad sa agham at matematika. Para mas madali nating maintindihan ang itinuturo ng ating mga guro. Hindi lahat sa atin ay nakakaintindi sa Ingles. Kung wala tayong naiintindihan, wala tayong matututonan. Ang wika din ay ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Ngunit marami na ngayong mga naiimbentong mga bagong salita ng mga kabataan. Meron nang jeje language, coño, beki language at marami pang iba na hindi na maintindihan ni lola at lolo dahil tunay na ngang kakaiba ang mga ito. Hindi na ito ang kanilang nakagisnang lenggwahe. 

Pagbabago ang kailangan, maging ang ating wika ay sumasabay sa pagbabago ngunit wag kakalimutan ang pinangmulan, Wikang Filipino.

  
Kaya't habang may magagawa pa tayo, habang hindi pa lubusang nakakalimutan ang ating sariliring wika, ito ay atin nang pagyamanin at pausbungin. Ang wikang Filipino ang sumisimbolo sa ating mga Pilipino at Wikang Filipino ang ating pagkakakilanlan. Atin itong ipagmalaki at gamitin.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Why we are celebrating...

An open letter for the President

Nutrition Month 2018:"Ugaliing magtanim sapat na nutrisyon aanihin"